ISABELA-TUKOY na ng Santiago City Police ang pagkakakilanlan ng suspek sa pagpatay sa isang kolehiyala noong Lunes.
Bineripika na ng pulisya ang tricycle na ginamit sa karuma-dumal na pagpatay sa 19-anyos na nursing student.
Ayon sa may-ari ng nasabing tricycle ay sapilitan kinuha sa kanya ang kanyang tricycle noong Sabado ng gabi at narekober ang single motor sa isang junkshop sa lungsod.
Kinilala ang suspek na si Jeffrey Addam Barga na kasalukuyan wanted at ang sinuman makapagturo sa kinaroroonan nito ay magbibigay ng reward ang City Mayor ng lungsod na si Atty. Sheena Tan.
Ang reward ay P100K para sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek. IRENE GONZALES