P100-K SA KILLER NG DASMARIÑAS CITY TRAFFIC ENFORCER

NAG-ALOK si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. ng P100,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng motorcycle-riding gunman na nakapatay sa isang traffic enforcer ng Dasmariñas City kamakailan.

Umaasa ang Chairman ng House Committee on Natural Resources na sa pamamagitan ng reward money ay maeengganyo ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa agarang paglutas ng nasabimg karumal-dumal na krimen.

Mariing kinokondena ni Barzaga, na dati ring alkalde ng Dasmariñas City ang broad-daily assasination sa traffice enforcer na si Edgard Quiroga.

“Based on a a closed-circuit television (CCTV) footage, Quiroga was seen having a conversation with another motorist when the unidentified rider showed up and shot him in the head,” malungkot na paglalahad ng mambabatas

“Ang lalaking suspek ay nakasuot ng pula at itim na helmet, kulay abo na pang-itaas na may mahabang manggas at maong na pantalon at nakasakay sa kulay rosas at itim na Yamaha Mio na walang plaka,” dagdag pa ni Barzaga.

Mariin namang sinabi ng House panel chairman na handa siya, katuwang Dasmariñas City LGU na gawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang mapait na sinapit ng kanilang kapwa public servant na si Quiroga.

Samantala, tiniyak niya na ang pagkakakilanlan ng magiging informant ay mananatiling confidential para sa kaligtasan nito. ROMER R. BUTUYAN