P100-M NAWAWALA SA COTABATO HOG RAISERS

COTABATO

KIDAPAWAN CITY – Hindi bababa sa P100 million kada buwan ang nawawala sa North Cotabato hog raisers dahil sa swine at pork products lockdown sa gitna ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Ro­nald Barrios, head ng B-MEG Kidapawan branch, hindi bababa sa isang libong baboy mula sa lungsod at sa buong lalawigan ng North Cotabato ang hindi maibiyahe sa mga palengke sa Visayas provinces, kabilang ang Leyte, Samar, Cebu, at Bo-hol dahil sa lockdown.

Aniya, binibili ng kompanya ang baboy mula sa backyard raisers sa halagang P95 per kilo at ibinebenta ito sa P125 kada kilo sa Visayas.

Bago ang lockdown sa Don Marcelino, Davao Occidental,  ang mga hog raiser ay nakakapagbiyahe ng hindi bababa sa 300 live pigs kada linggo sa kanilang mga customer sa Visayas.

Ani Barrios, mayroon na ngayong  oversupply ng mga baboy sa North Cotabato at sa rehiyon.

“This is why we’re asking for consideration from the government… that officials in Region 8 should not bar us from transporting live pigs and pork products because Kidapawan City and North Cotabato are considered ASF-free,” dagdag pa niya.

Ang pagbaba ng pork demand dahil sa ASF ay nagresulta sa 30 porsiyentong pagbagsak ng hog industry sa lalawigan.

Sinabi naman ni Tony Arenas,  isang ‘lechonero’ mula sa Barangay Magsaysay sa Kidapawan, na ang banta ng ASF ay nagbun-ga rin ng pagbaba ng benta ng lechon sa Kidapawan City.

Aniya, dati ay nakakapaglitson sila ng hindi bababa sa 10 baboy kada araw, subalit dahil sa ASF ay bumaba ang kanilang benta ng 50 percent.

“We’re losing at least P25,000 a day because of this ASF.   Moreover, the demand for pork products in the city’s public market has gone down to 50 percent,” sabi pa niya. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.