NAGKAISA ang lahat ng mga alkalde sa Metro Manila na magpalabas ng P100 milyon upang matulungan ang mga local government units (LGUs) na labis na sinalanta ng bagyong “Odette”.
Ang Metro Manila Council (MMC), sa pamamagitan ng resolution ay nagkasundo na maglabas ng pondo mula sa ‘saving’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“We are going to prioritize local government units stricken by tropical cyclone wind signal number 4 of typhoon Odette,” ayon kay MMDA Chairman Atty. Benhur Abalos.
Sa report ang Visayas region at ilang lalawigan sa Mindanao ang labis na naapektuhan ng bagyong Odtte.
“This financial aid will help especially in this trying times. It’s Christmas after all, a time of sharing and giving, ,” ani Abalos.
Aniya, mas pinili nilang pera na lamang ang ipagkaloob nila sa mga LGU na naapektuhan ng bagyo sa halip na relief goods dahil mahirap ang pagpasok at paglabas ng transportasyon dahil sa mga nasirang daan, habang ilang flights naman ay nanatili pang kanselado.
“Affected LGUs are in the best position to decide how the fund can provide for the immediate needs of their constituents. We hope this aid will somehow alleviate the plight of the typhoon victims,” dagdag pa ng MMDA chief. EVELYN GARCIA