P100 NAWALA SA AKTUWAL NA HALAGA NG ARAWANG SAHOD NG WORKERS

trabaho

INIHAYAG ng isang grupo ng mga manggagawa na nasa P80 hanggang P100 ang ibinaba sa aktuwal na halaga ng arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito ay mas mataas kaysa sa naging pagtaya ng Ibon Foundation kung saan lumalabas na nasa P500 na lamang mula sa P570 ang halaga ng daily minimum wage sa NCR.

Ayon kay Sonny Matula, chairperson ng Nagkaisa Labor Coalition, malaki ang naging epekto ng 6.9% inflation nitong Setyembre.

Hindi rin, aniya, ito maganda para sa ekonomiya dahil kung walang pambili ay walang gagastusin ang mga manggagawa at hindi iikot ang ekonomiya.

Umapela rin ang grupo ng karagdagang P100 sahod na posible umanong maibigay sa pamamagitan ng stimulus funds.

Sa ilalim nito, pinaglalaan ang pamahalaan ng isang bilyong pisong pondo na maaaring ipautang nang walang interes o gamiting subsidiya partikular sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na posibleng magamit para sa pagpapasuweldo sa kanilang mga manggagawa at mai­salba ang kanilang negosyo.

DWIZ 882