MAGBEBENTA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng commemorative coins tanda ng 70 taon ng central banking sa bansa at bilang selebrasyon sa ika-25 anibersaryo nito.
Tulad ng naka-post sa kanilang Facebook page, ang BSP ay magbebenta ng 10,000-Piso Gold Commemorative Coin (para sa 70 taon ng Central Banking sa Filipinas, nagkakahalaga ng P127,500), 500-Piso Silver Commemorative Coin (para sa 70 taon ng Central Banking sa Filipinas, nagkakahalaga ng P3,500), at 500-Piso Silver Commemorative Coin (para sa 25th Anniversary ng BSP, nagkakahalaga ng P3,500).
“Orders should be placed not later than January 15, 2020 on a ‘first mail-in, first listed’ basis,” ayon sa BSP.
Gayunman, dahil sa mataas na halaga ng commemorative coins, ang cash payment at pick-up schedule ay mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa pinakamalapit na BSP branch.
“The order will also be forfeited if the commemorative coins remain unclaimed two weeks after the scheduled date of pick-up. The public are entitled to buy only one piece per commemorative coin.” PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.