P100K PABUYA SA KILLER NG BARANGAY CHAIRMAN

NUEVA ECIJA – IDINEKLARANG dead on arrival sa pagamutan ang isang barangay chairman makaraang paulanan ng bala ng di pa mabatid na kalibre ng baril ng mga suspek na lulan ng isang kotse sa Jaen sa lalawigang ito.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nakikipagkuwentuhan sa labas ng isang establisimiyento ang biktima na si Kapitan Mark Vic Pascual ng Barangay Don Mariano, Jaen, Nueva Ecija kasama ang apat pang indibidwal nang tinigilan sila ng isang kotse saka pinagbabaril ito.

Agad namang isinu­god sa pagamutan ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival habang mabilis namang nakatakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Inanunsyo naman ng lokal na pamahalaan ng Jaen ang P100,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto sa mga salarin.

EVELYN GARCIA