P100K SA 1,090 MGA CENTENARIAN

Rep-Luis-Jose-Angel-Campos-Jr

MABIBIYAYAAN ang nasa mahigit isang libong centenarians ng tig-P100,000 sa susunod na taon.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Luis Campos, nasa 1,090 ang centenarians sa susunod na taon at mabibigyan ang mga ito ng gobyerno ng P109 million cash gift.

Ang nasabing pondo ay nakapaloob na sa 2019 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng General Appropriations Act for 2019.

Sa ilalim ng batas, ang bawat Filipino na aabot sa 100 taong gulang, nakatira man sa bansa o nasa abroad ay awtomatikong enti-tled sa P100,000 one-time cash gift ng pamahalaan.

Kalakip din ng cash gift ang plaque ng pagkilala para sa naimbag ng mga centenarian sa bansa.

Simula 2016 nang maipasa ang Centenarians Act, aabot na sa 4,688 na mga Filipino Centenarians o ka-tumbas ng P468.8 milyon ang benepisyong naibigay na ng gobyerno.   CONDE BATAC

3 thoughts on “P100K SA 1,090 MGA CENTENARIAN”

  1. *This is the right blog for anyone who wants to find out about this topic. You realize so much its almost hard to argue with you (not that I actually would want…HaHa). You definitely put a new spin on a topic thats been written about for years. Great stuff, just great!

  2. 634434 805579Hi my friend! I want to say that this post is awesome, nice written and consist of almost all significant infos. Id like to see a lot more posts like this . 597861

Comments are closed.