GINANTIMPALAAN ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ng halagang P100,000 ang isang guro sa mababang paaralan sa lungsod matapos itong hirangin bilang 2021 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos.
Personal na ipinagkaloob ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang tsekeng nagkakahalaga ng P100,000 bilang insentibo kay Jason Albaro, head teacher III ng Muntinlupa National High School (MNHS)-Main sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa.
Bukod sa insentibo ay pinagkalooban din ng naturang bangko si Albaro ng P1 milyon, isang golden medallion at “The Flame” na tropeyo makaraan nitong mapanalunan ang isa sa 2021 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos sa larangan ng academe.
Ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos search ay isang prestihiyosong career-service award para sa mga Filipino exemplar sa larangan ng academe, military at police sectors.
Kinikilala rin ng Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ang napiling mga pinakatanyag na Pilipino na apat na guro, tatlong sundalo at tatlong pulis.
Nakatapos si Albaro na cum laude na may degree in Bachelor of Science in Secondary Agricultural Education Major in Chemistry sa Central Bicol State University for Agriculture.
Nakatanggap din si Albaro ng Zayed Sustainability Prize 2019 kabilang si Ma. Regaele Olarte para sa Global High Schools-East Asia and the Pacific (United Arab Emirates).
Si Albaro ay naging Silver Awardee sa World Intellectual Property Office – Japan Design and Invention Expo (Japan) at nakamit din ang unang puwesto sa SEAMEO-BIOTROP SEA Creative Camp for Urban Agriculture na ginanap sa Indonesia.
Sa kasalukuyan, si Albaro ay co-manager ng First Chlorella Vulgaris (micro-algae species) cultivation and production; patent grantee of Intellectual Property Office for various projects; program director ng Lake Rehabilitation Projects and Project PNP (Please No Plastics); at convener ng United Nations for student leadership at promoter din ng Paris Agreement. MARIVIC FERNANDEZ
97871 259395Woh I like your blog posts, saved to fav! . 359309
406480 416946I want to start a blog but would like to own the domain. Any tips how to go about this?. 64819
When I read an article on this topic, safetoto the first thought was profound and difficult, and I wondered if others could understand.. My site has a discussion board for articles and photos similar to this topic. Could you please visit me when you have time to discuss this topic?
289362 627793I really treasure your piece of function, Wonderful post. 537763
96239 182741You produced some decent points there. I looked on the internet for the problem and found most individuals will go along with together with your internet site. 32644