P104-M AGRI DAMAGE NG PAGSABOG NG MT. KANLAON

PHOTO FROM ABS-CBN NEWS

UMABOT sa mahigit P104 milyon ang pinsala sa agrikultura ng pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Island sa Regions 6 at 7, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang latest update, sinabi ng NDRRMC na ang pinsala ay katumbas ng 3,947.27 metric tons ng produksiyon.

Ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ay nasa 1,706 — 135 sa Region 6 at 1,571 sa Region 7 at crop areas sa 842.33 ektarya sa parehong rehiyon.

Sa nasabing bilang, 625.85 ektarya ang klinasipika na “wala nang tsansang makarekober” habang 216.48 ektarya ang “may tsansa pang makarekober” mula sa pinsala.

Nasa  8,580 naman ang bilang ng apektadong pamilya na katumbas ng 29,739 indibidwal sa 25 barangays sa Regions 6 at 7.

Ang pamahalaan ay nakapagbigay na ng tulong sa mga apektadong pamilya ng P11,346,626 na halaga ng goods at iba pang items.

Ang Mt.  Kanlaon ay sumabog sa loob ng anim na minuto noong June 3, at nagprodyus ng 5,000-meter plume.

(PNA)