CAMP CRAME – MAGTATAYO ang Philippine National Police (PNP) ng P104 milyon halaga ng pasilidad sa Pagadian City na magsisilbing headquarters ng Directorate for Integrated Police Operations – Western Mindanao.
Ang proyekto ay naging posible matapos na mag-donate ang Pagadian City ng halos tatlong ektarya sa President Corazon C. Aquino Regional Government Center sa Brgy. Balintawak, Pagadian City upang pagtatayuan ng pasilidad.
Ang signing ceremony para sa deed of donation ay pinangunahan ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa at Pagadian City Mayor Samuel S. Co sa Camp Crame.
Nagpasalamat si Gen. Gamboa Kay Mayor Co at sa city council ng Pagadian City sa pagpasa ng resolusyon noong Pebrero 26 na pagpayag sa donasyon.
Ayon kay PMGen. Edwin C Roque, Director ng Directorate for Logistics, ang budget sa pagtatayo ng pasilidad ay kasama sa Convergence Infrastructure Plan ng Police Regional Office 9 at Department of Public Works and Highways (DPWH). PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.