UMABOT sa P105 milyon ang pinsalang iniwan sa imprastruktura ng bagyong Vicky.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang P105.4-M na halaga ng pinsala sa imprastruktura ay naitala sa Caraga region pa lamang, batay sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Winasak din ni ‘Vicky’ ang 83 bahay sa Cebu. Sa naturang bilang, 62 ang ‘totally damaged’ habang 21 ang ‘partially damaged’.
Wala pang ibinibigay na datos ang NDRRMC hinggil sa lawak ng pinsala ng bagyo sa iba pang lugar.
Iniulat din ang power interruptions sa ilang lugar sa Mati City, sa mga bayan ng Manay at Baganga sa Davao Oriental, at sa mga bayan ng Maco at Laak sa Davao de Oro.
Comments are closed.