P108.8-B SA 4PS ILALAAN NG DSWD

Sec Rolando Bautista

NADAGDAGAN ng halos P20 billion ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa 2020.

Sa budget presentation ni DSWD Sec. Rolando Bautista, pinakamala­king bahagi ng budget ng ahensiya ay mapupunta sa Conditional Cash Transfer (CCT).

Mula sa P88 billion ngayong 2019, tataas sa P108.765 billion ang alokasyon sa 4Ps sa susunod na taon.

Aabot naman sa 4.1 million ang benepisyaryo ng regular CCT habang 235,040,000 naman ang target beneficiaries sa modified CCT sa 2020.

Pangalawa sa may pinakamataas na alokas­yon ng ahensiya ang pensiyon para sa mga indigent senior citizen na may P23.184 billion.

Sa 2020 national budget, P158.5 billion ang inaprubahang pondo para sa DSWD o mas mataas ng 12.16 porsiyento kumpara sa budget ngayong 2019.    CONDE BATAC

3 thoughts on “P108.8-B SA 4PS ILALAAN NG DSWD”

  1. 792783 844540hi this post support me full . .if you want watches males go to my sites is really support you for males watches. .thank man excellent job. 17428

Comments are closed.