P10K AYUDA NAKA-10K BENEPISYARYO NA

Alan Peter Cayetano

UMABOT na sa 10,458 ang mga nakatanggap ng P10K ayuda sa ilalim ng programang Sampung Libong Pag-Asa ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nitong kongresista sa BTS o Back To Service, kasama na si Congw. Lani Cayetano.

Pangunahing layunin ng 10K Ayuda na maiahon at hindi lamang maitawid sa kanilang lugmok na kalagayan ang mga Pilipino dahil sa pandemyang COVID-19. Kabilang sa mga benepisyaryo ng 10K Ayuda ang mga nawalan ng trabaho, mga naluging malilit na negosyo, OFWs at seamen, mga atleta at coach ng sports community, entertainers at stand-up commedians, kawani ng food industry, at iba pang sektor ng lipunan.

Nito lamang Biyernes, 200 ang nakatanggap ng P10K ayuda. Sa bilang na ito, 150 ang pinili sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaang lungsod ng Maynila, Muntinlupa, San Juan, at Mandaluyong, samantalang 50 naman ang pinili mula sa nakalipas na Facebook livestream ng programa.

Kasama ni Cayetano na namigay ng P10K ayuda sa mga BHW si Congw. Cayetano na pangunahing nagsusulong sa mataas na benepisyo ng mga BHW.

“Si Lani has really been working hard sa ating mga frontliners, lalo sa nutrition scholars, barangay tanods, at barangay health workers. From the start, ‘yun ang request niya sa akin, dahil ang mga barangay health workers in most areas around the country, dahil kapos o salat sa budget ang ating mga LGUs, ay allowance lang,” wika ni Cayetano.

Giit ni Congw. Cayetano, bagaman allowance lamang ang natatanggap ng mga BHW, “mahalagang tulong” ang hatid nila sa mga doktor at nurse, lalo na ngayong nasa pandemya ang bansa.

“Hopefully, itong Sampung Libong Pag-asa (this program) can give some hope or some help to all of you,” aniya.

“Karamihan ng ating mga barangay health workers ay nananatili na allowance basis, pero hindi matatawaran ang mahalagang tulong nila sa ating mga doktor at sa ating mga nurses, lalo nung tumama sa atin ang pandemya,” sabi pa ni Congw. Cayetano.

Inilunsad ang Sampung Libong Pag-asa noong Mayo 1 upang bigyan ng tulong pinansiyal ang mga indibidwal na lubos na tinamaan ng pandemya.

Pinangungunahan ni Cayetano ang programa na nagsisilbi ring kampanya ng grupo para sa pagkakasa-ma ng P10,000 ayuda sa panukalang Bayanihan 3.

4 thoughts on “P10K AYUDA NAKA-10K BENEPISYARYO NA”

Comments are closed.