NAKATANGGAP ng cash gift mula sa lokal na pamahalaan ng Navotas City ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan.
Personal na iniabot ni Congressman John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay lola Dominga Santiago kasama ang mga kinatawan ng CSWDO na sana ay makatulong sa kanya at kanyang pamilya.
“Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa mga darating pang mga araw at mga taon. Mga kapwa kong Navoteño, bigyan natin ng mainit na pagbati ang ating Centenarian celebrant!” ani Cong. JRT.
Aniya, may P100,000 din na matatanggap si Lola Dominga mula sa National government.
“Sana all, umabot din ng isang daang taon. Kaya mag-face mask at mag social distancing para abutin natin ang edad na iyon”, paalala ng mambabatas.
Bukod dito, makakatanggap din si lola Dominga ng P500 NavoRegalo na isa sa mga programa ng Navotas para sa mga senior citizen na residente ng lungsod. EVELYN GARCIA
Comments are closed.