P10K MULTA NG CEBU PAC SA BAWAT PASAHERO

UMALMA ang isang kongresista sa ‘reprimand’ lamang  na ginawa ng Civil Aviation Board (CAB) sa Cebu Pacific.

Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, hindi sapat na binalaan lamang ng CAB ang Cebu Pacific gayong aabot sa 22,000 ang mga pasaherong apektado ng kanseladong flights ng airline.

Aniya, malaking insulto sa mga apektadong pasahero na walang ginawa rito ang CAB at wala man lamang parusa na ipinataw.

Giit ni Herrera-Dy, ang dapat ay pagpatawin ng P10,000 multa sa bawat apektadong pasahero ang Cebu Pacific.

Bukod pa, aniya, ito sa parusang kakaharapin ng airline dahil ilan sa mga pasahero ay OFWs na kailangang makabalik sa bansang pinagtatrabahuan habang ang iba ay mga kababayang may connecting flights na nagkadoble-doble ang gastos dahil sa aberya ng Cebu Pac.  CONDE BATAC

Comments are closed.