PLANONG patawan ng Metro Manila mayors ng P10,000 na multa ang mga bus na bibiyahe na lalagpas sa yellow o bus lane sa EDSA.
Ito ang kinokonsidera ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila na layong sumunod sa batas ang mga bus na bumibiyahe sa EDSA para maibsan ang trapik at walang pagbabara para sa tuloy- tuloy na daloy ng trapiko.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, miyembro ng Metro Manila Council, may nagmungkahi na gawing P10,000 ang penalty sa paglabag sa bus lane at babawasan ng 3 hanggang 4 na mga bus ang operator.
Iminungkahi rin nito na kung 100 ang mga bus ng operator, hindi ito puwedeng mag-ooperate ng limang units sa isang buwan.
Masusi naman na pinag-aaralan ng council ang naturang mga panukala.
Gayunpaman, aminado si Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia na short term solution lang o “band aid solution” ang kanilang mga hakbang kabilang ang high occupancy vehicle scheme (HOV) o ban sa driver only vehicle sa EDSA.
Aniya, ito ay habang hinihintay ng ahensiya na matapos ang pagtatayo ng dagdag na mga kalsada na puwedeng daanan ng maraming sasakyan.
Comments are closed.