TINIYAK ni Speaker Alan Peter Cayetano na mas mahusay at higit na makatutugon ang ipapasa ng ‘House of the People’ (HOPE) na panibagong bersiyon ng Bayanihan to Heal as One Law, kabilang ang pagbibigay ng panibagong uri ng cash assistance o ayuda ng pama-halaan.
Kasabay nito ay sinabi ng House Speaker na gagamitin nila ang kanilang ‘oversight function’ upang masiguro na hindi na mauulit ang mga naging pagkakamali sa nakaraang pagpapatupad ng nasabing batas.
“We want also to ensure that Special Amelioration Program (SAP) will be given to all Filipinos who need it most. We respect and acknowledge the tremendous work done by the departments involved, but our citizens cannot afford to wait that long. There must be a better way, and together we will find it,” pagbibigay-diin ni Cayetano.
Ayon sa lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, buo ang determinasyon nilang mga mambabatas na hanapan ng solusyon at gawing handa ang pamahalaan at sambayanang Filipino sa pagharap sa mga hamong dala ng tinatawag na ‘new normal’.
“Habang ang buong bansa ay naghahanda sa pagpasok ng ‘new normal’, abala po ang buong gobyerno – kasama na ang Kongreso – sa paghahanap ng mga paraan upang mapaghandaan ang mga pagsubok na haharapin natin,” sabi Cayetano.
Bukod sa mas epektibong implementasyon ng SAP at iba, binanggit ni Cayetano na sa babalangkasin nilang ‘Bayanihan Act II’ ay mapapabilang ang pagkakaloob ng P10,000 ‘separation assistance’.
Paliwanag ni Cayetano, ang mga makatatanggap nito ay ang mga nawalan ng trabaho o mapagkakakitaan bunsod ng ipinatupad ng pamahalan na community quarantine measures.
“Under the bill, an unemployment or involuntary separation assistance amounting to ten thousand pesos (P10,000) for displaced workers or em-ployees including probationary, project, seasonal, contractual and casual employees in private health institutions, tourism, culture and arts, creative, in-dustries, freelancers, self-employed including repatriated OFWs and OFWs whose deployment were suspended due to government-imposed deployment ban,” sabi pa niya. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.