P10K UMENTO SA TEACHERS

Rep Frederick Siao-4

POSITIBO ang isang Minda­naoan lawmaker na ka­yang magawan ng pa­raan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagbigyan ang masigasig na panawagan ng mga pampublikong guro na taas-sahod, kabilang na ang inihihirit na dagdagan ng P10,000 ang kanilang monthly take home pay.

Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, chairman ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, malaking hamon para sa kanilang mga mambabatas na tumugon sa matagal at malakas na sigaw para sa salary increase ng public school teachers.

“Public school teachers have been unrelenting in their push for a pay hike of P10,000 per month. The challenge for Congress is where to find the roughly P126 billion needed annually to satisfy that clamor. Pero sabi nga ‘pag gusto, may paraan,” pahayag pa ng kongresista.

“Right now, the first thing I see that can be taxed heavily to generate the P126 billion annually are those Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs),” dugtong niya.

Aniya, mula sa kabuuan ng makokolektang buwis sa POGO, ang P126 bilyon dito ay ilalaan para pondohan ang ibibigay na dagdag sa suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

“Taxing the POGOs to fund the P10,000 teachers’ pay hike clamor would be like ‘hitting two birds with one stone’ or solving two problems at once. I have to confer with House Ways and Means Committee to see if this approach is doable,” giit  ng Iligan City lawmaker.

Samantala, iminungkahi rin ng naturang ranking House official na maaaring gawing ‘add-ons’  ang ibibigay na katumbas ng P10, 000 kada buwan sa basic salary ng public school teachers upang hindi rin naman lumaki ang gastos ng gobyerno kaugnay sa retirement benefits ng mga ito.

Sakaling maipatupad, makakasama pa rin,  aniya, ang naturang dagdag na P10,000 kada buwan sa tatanggaping 13th month pay at year-end bonus ng mga pampublikong guro.                    ROMER R. BUTUYAN