P10l-M “KUSH” NASABAT SA NAIA

NASABAT ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng high-grade na marijuana o “kush” noong Oktubre 30.

Matapos ang physical examination, natuklasan ang 7,154 gramo ng kush na nakatago sa parcel na tinatayang may street value na P10,015,600.

Ang mga naharang na droga ay agad na isinailalim sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso alinsunod sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng BOC-NAIA sa PDEA at sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

“Our team remains vigilant, working with partners to prevent the trafficking of dangerous substances and uphold the safety of our communities” ayon kay District Collector Atty. Yasmin O. Mapa.

RUBEN FUENTES