P11.4-M DROGA NADISKUBRE SA DATING RESTO SA TERMINAL 1

NATAGPUAN ng isang construction worker ang nasa P11.4 milyong halaga ng shabu sa ginigibang restaurant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nakuha ng construction worker ang tatlong malalaking pouches na naglalaman ng 1,685 gramo ng shabu sa loob ng dish traps na puno ng tubig sa Har-raya kitchen restaurant.

Agad ito ipinagbigay alam sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group na nakatalaga sa NAIA upang magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Sa report ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) inabandona ang mga ito noong pang panahon ng pandemya at nahirapan mailabas dahil sa sobrang higpit ng seguridad sa NAIA.

Ang mga drogang ay kasalukuyang hawak ng mga tauhan ng NAIA-PDEA at kasabay nito isinusulong ng grupong ito ang pangangalap ng impormasyon kaugnay sa nadiskubreng shabu.
FROILAN MORALLOS