UMAABOT sa P11.43 milyong halaga ng farm machineries at equipments ang maipagkakaloob sa agrarian reform beneficiaries sa Central Visayas makaraang lumagda ang regional office ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa procurement contracts ng ilang kompanya.
Ayon sa DAR, ang nasabing acquisition ng farm machineries ay nasa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) para lalong lumago ang farm productivity ng mga magsasaka.
Sa pahayag ni DAR regional head Marion Abella, nakipagkasundo na ang mga kompanya sa Cebu City para sa paglagda ng kontrata.
Kabilang sa mga kompanya na sumuporta sa proyekto ng DAR ay ang Ford Tractor Philippines Inc. na naglaan ng P3.144 milyon para sa tatlong yunit ng 35 HP four-wheel drive tractor.
Maging ang Suki Trading Corp. ay lumagda na rin sa contract price na P4.179 milyon para sa tatlong corn hushers at shellers, dalawang mechanical rice transplanters, isang portable feed mill, 12 mechanical reapers, tatlong multi-cultivators/hand sugarcane cultivators at isang coffee parchment huller machine.
Sumunod ang P.I. Farm Products Inc. na lumagda sa P3.156-M agreement para sa 35 HP tractor, 12 hand tractors, tatlong floating tillers at tatlong mechanical rice threshers.
Gayundin ang Universal Commercial Corp. na lumagda na rin sa contract price na P0.96 milyon para sa apat na shredders.
“Nagpapatuloy ang support services ng DAR para mas lalong umangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Central Visayas,” dagdag pa ni Abella MHAR BASCO