NAPURNADA na naman ang modus operandi ng mga smuggler makaraang masabat ng mga operatiba ng Manila International Container Port (MICP) ang 6 containers mula sa Hongkong, China na naglalaman ng undeclared agricultural products na may standard value na P11.5 milyon.
Nabatid na ang shipments ay naka- consigned sa Victory JM Enterprise OPC na dumating sa Manila Container Port area mula sa nasabing bansa.
Kaagad na nag-isyu ng Pre-Lodgement Control Orders and Alert Order ang District Collector matapos makatanggap ng derogatory information mula sa Customs Intelligence and Investigation Service at Department of Agriculture (DA) na ang shipments ay naglalaman ng smuggled agricultural products.
Gayunpaman, isinailalim sa physical examinations ng customs examiners katuwang ang representatives mula sa Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, at Inspector mula sa DA.
Lumitaw sa inspection ng mga awtoridad na ang undeclared agricultural products, ay mga frozen tofu, chicken paw, boneless beef, Vietnamese suckling pig, beancurd skin, fresh white onions, frozen fish tofu, at frozen beef cheek meat kung saan walang maipakitang permits ang consignee mula sa Department of Agriculture (DA).
Kaya noong Dec. 2, 5 at 7, 2022 ay nag- isyu ang MICP ng Warrants of Seizure and Detention laban sa shipments sa paglabag sa Sections 117 at 1113 ng the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at sa DA regulations. MHAR BASCO