P11.8-M MARIJUANA BRICKS NADISKUBRE

KALINGA – UMAABOT sa halagang P11.8 milyong marijuana ang nadiskubre ng awtoridad sa Barangay Maluksad, Pasil sa lalawigang ito.

Ayon kay Capt. Ruff Manganip, taga­pagsalita ng Kalinga police na iniulat ng isang concerned citizen ang presensya ng tatlong kahina-hinalang sako sa isang box culvert.

Binuksan ito ng mga awtoridad at natuklasan ang 99 bricks ng dried marijuana leaves at stalks.

Dinala na ang mga ito sa Kalinga police forensic unit para sa pagsusuri at dokumentasyon.

Sinabi ni Manganip na nagsasagawa sila ng follow-up investigation upang matukoy ang transporter.

Sa kasalukuyan, ang standard price ng isang marijuana brick na may timbang na isang kilo ay P120,000.

EVELYN GARCIA