DAVAO OCCIDENTAL- MATAGUMPAY na naharang ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ang isang Indonesian motorized watercraft na KM PEJUANG DEVISA 2 na may kargang smuggled cigarettes sa karagatang bahagi ng Balut Island sa Sarangani.
Ang nasabing sasakyang pandagat ay nahuli ng BRP Artemio Ricarte (PS37) ng Philippine Navy habang papunta sa kanilang patrol destination.
Nang magsagawa ng pagsisiyasat, natuklasan ang nasa 296 master cases ng smuggled na sigarilyo na may halagang aabot sa P11,840,000.
Dahil walang maipakitang dokumento, agad na hinuli ang sakay ng bangka na dalawang Pinoy at dalawa ring undocumented Indonesian nationals. EVELYN GARCIA