P11.87-M SHABU NASABAT SA NAIA

shabu

PASAY CITY – NASAKOTE  ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang dalawang shipments ng shabu na tinatayang aabot sa P11.87 milyon at tumitimbang na 2,375 gramo.

Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, ang naturang shabu ay nakalagay sa dalawang packages, ang isa ay tumitimbang ng 2,031 grams at ipinadala noong April 27 ng isang nagngangalang Stephen Morse kay Juey Cuenca ng Imus, Ca­vite.

Ang pangalawang package ay tumitimbang ng 344.50 grams kung saan naka-con­signee ito sa isang Susano Trinidad ng Cubao, Quezon City at ipinadala ito ng isang Audio Schit ga­ling sa California, USA.

Nadiskubre ng mga BOC ang sinasabing mga iligal na kargamento sa isinagawang profiling ng mga tauhan ng Customs-NAIA examiner, K9 at sa suporta ng Anti-Drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), upang malaman kung mayroong kasabwat na tauhan ng Bureau of Customs.          FROI MORALLOS

One thought on “P11.87-M SHABU NASABAT SA NAIA”

Comments are closed.