P11-M DROGA NASAMSAM SA 19 PARCELS SA WAREHOUSE NG NAIA

AABOT sa mahigit sa P11 milyon ang halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drugs enforcement Agency (PDEA) sa 19 abandonadong parcel sa loob ng isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Lungsod ng Pasay.

Ayon sa report unang narekober ang 3,702.36 gramo ng marijuana o kush na may street value na aabot sa P5,183,304 at 577 ml ng marijuana oil na nagkakahalaga ng P34,620.

At ang sumunod ay isang parcela na naglalaman ng 570 pirasong ecstacy tablets na umabot ng P969,000.

Ang pangatlong at pang-apat na parcel na naglalaman ng illegal drugs na umabot sa kabuuang halagang P6,186,924.00 at 850 grams ng dry Opium poppy flowers na hindi pa matukoy ang kantidad.

Ang mga drogang ay kasalukuyang nasa kamay sa mga tauhan ng PDEA at BOC habang on going ang pagsusuri, upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga consignee. FROILAN MORALLOS