P11-M HALAGA NG FOOD PRODUCTS, UKAY-UKAY ITEMS NASABAT NG BOC

UKAY-UKAY-11

NASABAT ng ope­ratiba ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP) ang anim na container vas ng iba’t ibang klase ng food products, at mga second hand na kasuotan na tinatayang nagkakahalaga ng P11.34 million.

Sa anim na container na nakumpiska kama­kailan, ang lima rito ay nagtataglay ng iba’t ibang hindi idineklarang food products at ang isa ay nagtataglay ng hindi rin deklaradong second hand na mga damit para sa “Ukay-Ukay” market, ayon sa report ng customs officials.

Ganundin, nakakumpiska ang BOC ng  containers na dumating sa Maynila sa magkakaibang petsa at galing sa iba’t ibang –kasama ang Hong Kong, Korea at Brazil.

Ang mga nakumpiskang food items ay naka-consign sa JL Twins Enterprises, at Great Prosperity Import and Export Enterprises, dagdag pa nila.

Sa kabilang banda, ang second hand clothing items shipment ay naka-consign sa FiveJhoch Enterprises.

Ayon sa BOC, pinalawig pa ng  MICP ang kanilang  pagsisikap laban sa smuggling ng food products na posibleng nagtataglay ng delikadong kemikal.

Ganundin, sinabi ng BOC na ang mga nakumpiskang produkto ay sasailalim sa forfeiture proceedings dahil wala itong permit mula sa Food and Drug Administration, habang ang mga used clothing ay itatapon dahil posible itong magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan.

Higit pa rito, sinabi nila na lumabag ang shipment ng Sections 1400, at 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (RA 3720) o ang Food, Drug, and Cosmetic Act; at  RA 4653 o An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known As Used Clothing and Rags.