NASABAT ng mga awtoridad ang isang shipment ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng PHP11 milyon sakay ng isang passenger-cargo ferry rito sa hilagang parte ng probinsiya, ayon sa isang opisyal kamakailan.
Sinabi ni Lt. Commander Jimmy Vingno, Zamboanga Coast Guard Station commander, na ang shipment ay nakumpiska bandang alas-5:30 ng umaga kamakailan sa loob ng isang commercial ferry na nag-dock sa local port mula Jolo, Sulu.
Sinabi ni Vingno na ang pagkakumpiska ay nagawa sa tulong ng isang intelligence report na ang isang commercial ferry ay nag-tataglay ng assorted smuggled cigarettes at illegal drugs na umalis ng Jolo, Sulu, patungo sa Zamboanga.
Ang smuggled cigarettes, sabi niya, ay may 158 kahon na tinatayang nagkakahalaga ng PHP11 milyon na nakatago sa isang compartment ng vessel’s engine room.
“The said boxes of imported cigarettes were reportedly mixed with alleged illegal drugs,” ani ng opisyal at dagdag pa nito na isang follow-up search ang isinagawa at walang nakitang illegal drug na karga nito.
Sinabi ni Vingno na wala pang umaangkin sa nakumpiskang kontrabando. PNA
Comments are closed.