AABOT sa P111 milyon ang halaga ng 16.34 kilo ng shabu ang nakumpiska ng Joint Anti-Drug Operation sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Ang kontrabando ay naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Ang Parcel na naglalaman ng illegal drugs at ang shipment ay nagmula pa sa Mexico at naka-consign sa isang recipient sa Bulacan..
Natuklasan ng mga awtoridad ang mga iligal na droga, na nakatago sa loob ng wax at nakatago sa limang hand-made cultural craft paintings na may kabuuang timbang na 16.34 kilo.
Ang bagong modus na ito ng pagpupuslit ng mga Ilegal na Droga ay upang maiwasan ang pagsisiyasat ng mga awtoridad.
Agad ding itinurn-over sa PDEA ang mga nakumpiskang droga para sa karagdagang imbestigasyon, at isinasagawa ang legal na paglilitis laban sa mga sangkot, para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Pinuri naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang BOC-NAIA sa kanilang pagbabantay, at mabilis na pagtugon sa matagumpay na operasyon.
FROILAN MORALLOS/CRISPIN RIZAL