(P112-M kailangan sa repair)20 SCHOOLS NAPINSALA NI ‘KARDING’

NASA 20 eskuwelahan ang napinsala ni Super Typhoon Karding, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ang mga napinsalang paaralan ay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.

Tinatayang nasa P112 million ang kakailanganin para sa pagkukumpuni.

Ayon sa DepEd, nasa 12,174,549 estudyante sa 21,509 eskuwelahan ang naapektuhan ng bagyo.

May 107 school divisions din ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, NCR, at CAR.

Samantala, may 327 eskuwelahan ang ginamit na evacuation centers, kung saan 259 ang kasalukuyan pa ring ginagamit.