AABOT sa P10 billion ang natipid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa taong 2020.
Sa budget deliberation sa plenaryo, sinabi ni Appropriations Vice Chairperson at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong na ginamit ang naturang pondo bilang ayuda sa mga mahihirap na nangangailangan ngayong may pandemya.
Mayroon pang P6.5-B na natitira mula sa P10 bilyong pondo at ito ay ini-realign para gamitin sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Samantala, malaking bahagi ng kabuuang budget ng DSWD ay inilaan ng kagawaran sa kanilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa P171.22 billion na kabuuang budget ng ahensiya sa 2021, P113.856 dito ay para sa 4Ps.
Mayroon pang humigit kumulang 350,000 na pamilya ang hindi pa nabibigyan ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa 14.3 million na pamilyang benepisyaryo nito. CONDE BATAC
Comments are closed.