APRUBADO na ang P12.3 bilyong 2021 annual budget ng Pasig City.
Resulta ito ng anim na araw na masusing deliberasyon na ginawa ng Sangguniang Panglungsod kasama ang Local Finance Committee at Department heads ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, ang bawat polisiya, programa, at proyekto na nakapaloob sa 2021 budget ay hindi lamang pang isang taon, bagkus ito ay para rin sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pasigueño.
Patuloy na pagsusulong ng transparency, participatory governance, at accountability para mas mapabuti pa ang kinabukasan ng mga Pasigueño ang nais maging legacy ng kasalukuyang administrasyon.
Ibinahagi rin ni Sotto ang naging pagbabago sa budget deliberation process kumpara sa nakaraang taon dahil sa mula sa pagbibigay impormasyon sa taumbayan ukol sa budget noong 2019 ay nagkaroon na ng konsultasyon ngayong 2020.
Subalit, anang alkalde, hindi pa rito nagtatapos ang mga pagbabago, dahil ang tunay na layunin ay mapalawak pa ang pakikilahok ng taumbayan simula sa pagbuo ng budget hanggang sa pagmonitor at pag- evaluate ng mga proyekto na popondohan. ELMA MORALES
Comments are closed.