P12.9-M DAMO WINASAK NG AFP, PDEA AT PNP

SULU- TINATAYANG nasa P12.9 milyong halaga ng cannabis sativa weeds ang winasak sa isinagawang joint Marijuana eradication ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigang ito.

Natuklasan ng militar ang mga puno ng marijuana sa may sampung 15 ektaryang plantasyon sa Sitio Tubig Baba, Brgy. Pitogo, Kalingalan Caluang, Sulu kamakalawa.

Nabatid na ang nasabing marijuana plantation ay pinamamahalaan ng isang Maddi Khan alyas “Maddi” at kanyang mga kasamahan.

Agad na nagbuo ng composite team mula sa Philippine Army, PNP at PDEA para magsasawa ng eradication at burning ng libo libong puno ng Marijuana sa area.

Kasalukuyang naman tinutugis ng militar ang nagmamantini ng nasabing plantasyon na mabilis na nakatakas nang matunugan ang pagdating ng mga awtoridad. VERLIN RUIZ