KAILANGAN ng pamahalaan ng mahigit P12- bilyon para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa pondo ng ahensiya sa susunod na taon, target nilang mabakunahan ang 20 milyong mga Filipino na mula sa vulnerable sectors o ‘yung mga frontliner, barangay health workers, mga nakatatanda at mga person with disabilities (PWDs).
Pagtitiyak ng health department, sila’y patuloy na makikipag-ugnayan sa mga suplier na puwedeng magbigay ng bakuna sa bansa oras na makalusot ang mga ito sa standard ng ating Food and Drugs Administration (FDA).
Kasabay nito, mababatid na ang clinical trials ng World Health Organization (WHO) sa bakuna kontra COVID-19 ay nakatakdang gawin sa bansa sa katapusan ng Oktubre.
Comments are closed.