NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan ang anim na 40-footer na containers na naglalaman ng smuggled onions na nagkakahalaga ng P12 million sa Manila International Container Port.
Ayon sa BOC, dumating ang bulk ng mga item mula sa China noong Agosto 14, at idineklara itong mga mansanas na naka-consign sa ASD Total Packages Enterprises, Inc.
Sinabi ni BOC chief Isidro Lapeña na lumabas sa X-ray Inspection Project ng MICP field office at nagbigay ng tip tungkol sa hindi nakadeklarang shipment, na nag-udyok sa mga awtoridad na mag-isyu ng alert order laban dito.
Nang magkaroon ng inspeksiyon, nadiskubre na bawat container ay may karga na dalawang layer lamang ng mansanas na nagsilbing panglabas na takip sa mga sibuyas na nasa ilalim nito
Sasampahan ng kasong kriminal ang may-ari ng ASD Total Packages Enterprises, Inc. at ang customs broker na si Michael Sumile sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration) in relation to Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act.
“I have already ordered for the revocation of the accreditation of the consignee and the customs broker involved,” sabi ni Lapeña.
Ang mga suspek ay nahaharap din sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10845 (An Act Declaring Large-scale Agricultural Smuggling As Economic Sabotage, Prescribing Penalties Therefor And For Other Purposes) na kilala rin bilang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Comments are closed.