P120-M SHABU NASABAT SA SOUTH AFRICAN

CEBU- AABOT sa 17 kilong shabu na nagkakahalaga ng P120 milyon ang na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs- Port of Cebu-Subport of Mactan sa Cebu International Airport nitong Miyerkules.

Batay sa inisyal na ulat, nakatangap ng derogatory information ang personnel ng port of Cebu kaugnay sa isang South African national na lulan ng Qatar Airways flight QR924 na may dalang illegal drugs mula sa Doha, Qatar patungong Mactan Cebu International Airport.

Kaagad na pumuwesto ang ilang customs port officers bago isinailalim ang luggage ng African national sa X-ray inspection na may kahina-hinalang imahe kaya pina-complete physical examination kung saan nadiskubre ang walong pakete at dalawang pounches ng white crystalline substances mula sa dalawang checked-in luggage at isang clutch bag ng dayuhang pasahero.

Lumabas sa chemical analysis ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) na naglalaman ang mga pakete ng shabu kaya nibitbit sa detention facility ang akusado na pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan.

Isinailalim sa custody ng PDEA ang 17 kilong shabu na may street value na P123l milyon habang inihahanda ang mga ebidensya laban sa akusado na ipa-inquest sa prosecutors office sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act of 2016). MHAR BASCO