P120M JACKPOT PRIZE NG GRAND LOTTO 6/55, NASOLO NG CEBUANO!

SOLONG napanalunan ng isang Cebuano ang P120 mil­yong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 07-13-05-25-28-03 ng Grand Lotto 6/55.

Dahil dito, naiuwi niya ang katumbas nitong premyo na tumataginting na P120,063,346.80.

Sinabi ni Garma na nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Mandaue City, Cebu.

Upang makubra ang kanyang premyo, sinabi ni Garma na kinakaila­ngan lamang ng lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO at magprisinta ng dalawang valid ID at ang kanyang lucky ticket.

Samantala, mayroon  namang 81 bettors ang nagwagi ng second prize at nakapag-uwi ng tig-P100,000 matapos na makahula ng limang tamang numero.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ni Garma ang publiko na tangkilikin ang PCSO games upang makatulong sa paglikom ng pondo ng pamahalaan na gina­gamit sa kawanggawa para sa mga nanga­ngailangang mamamayan.ANA ROSARIO HERNANDEZ

5 thoughts on “P120M JACKPOT PRIZE NG GRAND LOTTO 6/55, NASOLO NG CEBUANO!”

  1. 90127 247370You completed numerous good points there. I did a search on the concern and discovered nearly all people will have the same opinion with your blog. 858531

Comments are closed.