P126.39-B GOV’T SUBSIDIES IPINAGKALOOB SA UNANG 10 BUWAN NG TAON

BTr-1

PUMALO sa P126.39 billion ang subsidiya para sa iba’t ibang government institutions, kabilang ang government corporations, mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, ang subsidiya na ipinagkaloob sa public agencies at Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ay nasa  96.41 percent na ng total subsidies sa national go­vernment noong 2017 na nagkakahalaga ng P131.09 billion.

Noong Oktubre, ang total subsidies ay umabot sa P1.55 billion, mas mababa ng 92.08 percent sa P19.58 billion noong Setyembre. Ang subsidiya na ipinagkaloob noong ­Setyembre ay pangalawa sa pinakamataas para sa 2018.

Ang pinakamalaking subsidiya na ibinigay sa national government noong  2018 ay noong Marso sa P35.24 billion, kasunod ang P32.47 billion noong Hulyo. Ang pinakamababang subsidiya para sa taon ay noong Enero na nasa P922 million lamang.

Noong Oktubre, ang public institution na tumanggap ng pinakamalaking subsidiya ay ang Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) sa P5.3 billion, kasunod ang Land Bank of the Philippines (LBP) sa P4.95 billion at National Irrigation Administration (NIA) sa P4.83 billion.

Ang mga tumanggap ng pinakamaliit na subsidiya ay ang Zamboanga City Special Economic Zone Authority (ZCSEZA) at  Southern Philippines Development Authority (SPDA) na may tig-P4 million, kasunod ang Philippine News Agency People’s Television Network Inc. (PTNI) sa P7 million.

May 22 public institutions naman ang hindi tumanggap ng subsidiya noong Oktubre.  Kabilang sa mga ito ang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Philippine National Railways (PNR), National Power Corporation, National Food Authority (NFA), Bases Conversion Development Authority (BCDA), at Social Security System (SSS).

Sa January to October period,  ang pamahalaan ay nagkaloob ng pinakamalaking subsidiya sa PHIC sa P50.19 billion, sumusunod ang NIA sa P26.27 billion at LBP sa P24.58 billion.

Ayon pa sa datos, ang public institutions na tumanggap ng pinakama­liit na subsidiya ngayong taon ay ang Cagayan Economic Zone Autho­rity (CEZA) sa P6 million at ang Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) sa P10 million – P7 million noong Oktubre at  P3 million noong Abril.  CAI ORDINARIO

Comments are closed.