P126-M TULONG NG US SA PH BASIC EDUC PLAN

Education

MAGKAKALOOB  ng kabuuang P126-milyon ($2.5 Million) ang Estados Unidos sa Filipinas sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID) upang makatulong sa gobyerno na ipatupad ang basic education plan sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong hindi pa rin puwede ang face-to-face classes.

Sa pahayag ng US Agency for International Development (USAID), magbibigay sila ng instruction strategies at learning materials sa mga Filipino teachers na nakadis-enyo para sa school at home learning.

“We would provide Filipino teachers with instruction strategies and learning materials designed for both school and home learning, and as-sist the Department of Education in developing tools to gauge students’ literacy skills once they return to school,” ayon sa USAID.

Sinasabing aayudahan din ng USAID  ang Department of Education (DepEd) sa pag-develop ng tools para masukat ang literacy skills ng mga estudyante.

Bukod dito, magtatatag din sila ng mga aktibidad na maaaring isagawa ng mga magulang sa bahay at makikipag-ugnayan sa mga private sector at local media companies para maikalat kung paano maipagpapatuloy ng mga bata ang pag-aaral kahit na sarado nga­yon ang mga eskuwelahan.

Una nang sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na sa 700,000 mga guro na sumagot sa DepEd survey, 87 percent ang mayroong mga laptops o computers sa bahay at 13 percent ang wala.

Sa mga mayroon namang gadgets, 41 percent lamang ang mayroong internet connection, 49 ang may internet signal sa kanilang lugar pero walang sariling internet connection, at 10 percent ang mga wala nito pareho.

Sa ngayon, mahigit na sa 11.3 milyong public school students ang nag-enrol na bago pa ang June 30 deadline para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24. VERLIN RUIZ

Comments are closed.