P13.3-B DRUG HAUL NASABAT NG PNP

IPINAGMAMALAKI kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur C Abalos na nasa tamang landas ang anti illegal drug campaign ng pamahalaan matapos na masamsam ng mga tauhan ng Philippine National police ang may dalawang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P13.3 bilyon.

Nalagpasan din nito ang biggest drug haul na naitala ng National Bureau of Investigation nuong Marso 2022 ng masamsam nila ang may 1.3 tonelada ng droga sa infanta Quezon na nagkakahalaga ng P11 bilyon.

Ipinagmalaki ito ni Abalos matapos na nasabat ng mga tauhan ng PNP-CALABARZON nitong Lunes ng umaga ang may P13.3 billion halaga ng high-grade illegal drugs sa Brgy. Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas.

“This record-setting P13.3-B drug haul was concrete proof that the government’s policy of bloodless and preventive-centered campaign against illegal drugs is on the right track,” ani SILG Abalos.

“Isipin na lang natin kung nakarating ito sa mga pusher at naibenta sa mga lansangan . Gaano kaya karaming mga buhay ng ating mga kabataan at kababayan ang sisirain nito,” anang kalihim.

“We have been actively waging a war against drugs through our BIDA Program which focuses more on the prevention side while crafting policies on rehabilitation and law enforcement,” dagdag pa nito.

Nabatid na nasabat ang droga sa ng pahintuin ang isang van sa inilatag na intelligence-driven check point na ikinasa ng PNP- Alitagtag, Batangas municipal police bandang alas-8 kahapon ng umaga.

“Kami ay nandito ngayon upang i-announce na ito na siguro ang pinakamalaking huling droga sa kasaysayan ng ating bansa,”

Kasama si PNP Chief BGen. Rommel Francisco D. Marbil; Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Assistant Secretary Renato A. Gumban; Batangas Governor Hermilando Mandanas; PNP Region 4A Director BGen Paul Kenneth Lucas; at iba pang high ranking PNP officials ay inihayag ng kalihim na itinataas niya ng ranggo ang pulis na nanguna sa nasabing anti-narcotics operation.

“On this day you are now promoted dahil sa kagalingang ginawa mo, sa katapangan mo and of course sa katapatan mo sa tungkulin. Hindi ka nasilaw, hindi mo binawasan ito, buong-buo mo naturnover ang droga. Congratulations!,” ani Sec Abalos kay Captain Luis Q. De Luna na pinagkalooban ng spot promotion at ginawang Police Major. VERLIN RUIZ