AABOT sa P13.5 bilyon ang maaaring mawala sa rice at corn sectors ng bansa na may tinatayang production loss na mahigit sa 400,000 metric tons (MT) kapag nanalasa ang bagyong Ompong sa Northern Luzon farms ngayong linggo.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol, ito ay base sa pagtaya ng Field Operations Office ng ahensiya sa posibleng epekto ng bagyong Ompong sa rice at corn sectors.
Sa worst case scenario, may 893,726 ektarya ng rice farms sa Regions I, II, III at CAR ang maaapektuhan ng bagyo na may tinatayang output loss na 156,792.94 MT.
“Majority of the standing crops planted in the four regions are in their vegetative stage with around 511,276 hectares,” ayon sa DA.
Sa pagtaya ng DA, ang production loss ay maaaring pumalo sa P7.291 billion sa apat na rehiyon.
“A moderate projection shows rice crop losses amounting to P3.3 [billion],” pahayag ni Piñol sa post sa kanyang official Facebook page kahapon.
Sa pagtaya ng DA, ang Region 1 ang maaaring magtamo ng pinakamalaking pinsala sa P3.332 billion na may production loss na 57,477.02 MT na nakatanim sa 262,853 ektarya.
Sa pangkaraniwang sitwasyon, ang rice farmers ay maaaring mawalan ng 65,671.31 MT sa kanilang produksiyon.
Sa datos ng DA, kapag nawalan ang bansa ng 600,000 MT dahil sa mga kalamidad sa third at fourth quarters, ang total palay output ay maaaring magkasya sa 18.84 MMT.
Ang numero ay mas mababa ng 2.28 percent sa 19.28-MMT record-high palay harvest noong 2017.
JASPER ARCALAS
Comments are closed.