KALINGA-NAKUMPISKA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 113 kilos ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P13,560,000.00 sa Dinakan, Dangoy, Lubuagan sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat, nasabat sa inilatag na checkpoint ang may 113,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana katuwang ang mga operatiba ng Cordillera Autonomous Region (CAR) bandang alas-4 kahapon ng madaling araw Sitio Dinakan, Baranay Dangoy.
Sa natangap na report ni PDEA Director General Wilkins Villanueva mula kay CAR Regional Director Gil Castro na ang bulto ng pinatuyong marijuana ay nahuli sa pag-iingat nina Aldren Paul Cabanes Pacion, 27-anyos at Jaymor Sacatani Eusebio, 31-anyos, kapwa residente sa San Vicente Tuao, Cagayan.
Ayon Castro isang interdiction operation ang kanilang inilatag katuwang ang mga tauhan ng Lubuagan MPS, 1st at 2nd KPMFC, PDEA-CAR, Tinglayan MPS, Pasil MPS, RIU 14, RID PROCOR, RDEU, PDEU, PIU, Tabuk CPS, RECU/PECU, RACU COR, 1503rd RMFB at CIDG Kalinga/Apayao kasunod ng kanilang nakalap na intelligence information hinggil sa nagaganap na pagpupuslit ng kilo-kilong Marijuana.
Nagresulta ang isinagawang dragnet sa pag-aresto sa mga suspek kung saan nakumpiska ang may 106 dried marijuana bricks at 7 tubular marijuana na tinatayang nasa isang kilo ang bawat isa kabilang ang isang unit ng Huawei cellphone, 1 unit ng Iphone na ginagamit sa kanila parokyano, L300 Mitsubishi na may plate no. ICL 2669 na gamit sa pagtransport ng kontrabando.
Ang mga inaresto ay pansamantalang nakadetini ngayon sa CAR jail facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 Sec 5 o transportasyon ng Iligal na droga. VERLIN RUIZ