P13.6 M DROGA NASAMSAM, NIGERIAN NATIONAL TODAS

shabu

TARLAC-UMAABOT sa P13.6-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa isang videoke bar sa Brgy. Jefmin, Concepcion sa lalawigang ito.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PNP-Police Regional Office 3 (PRO3) Director Brig. Gen Val De Leon,  isang buy bust operation ang ikinasa ng kanyang mga tauhan subalit nauwi ito sa shootout na nagresulta sa pagkamatay ng isang Nigerian national na nakilalang si Gabriel Onyechefula.

Nakuha rin ng pulisya ang isang caliber 9mm machine pistol na may mga bala, dalawang piraso ng totoong P1,000 papel, at 14 na bundle ng boodle money.

Ayon kay de Leon, si Onyechefula ay miyembro ng West African Syndicate na responsable sa pagiging talamak ng shabu at cocaine sa bansa.

Base sa intelligence report na hawak ni  Valeriano, nagre-recruit din umano ang sindikato ng mga Filipino para maging drug mule.

“Thru our revitalized drug campaign in line with the directives of PNP chief Police General Debold Sinas, all police units are working closely together to stop the proli­feration of illegal drugs not just in the region but the entire country,” pahayag ni De Leon.

“And we appeal to everyone to continue helping us in our campaign against illegal drugs in order to make our country drug-free,” dagdag pa ng heneral. VERLIN RUIZ

Comments are closed.