NASAKOTE ng mga operatiba ng pulisya ang isang 21 anyos na tulak nang makumpiskahan ng P13.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Lungsod ng Makati.
Sa report na isinumite ni Col Harold Depositar, chief of police ng Makati Police Station kay BGen Jimili L. Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) ang suspek ay nakilalang si Aldren Mariscal y Cabarrubias at nakatira sa Pasay City.
Ayon kay Depositar, isinagawa ang naturang operation dakong ala-5:37 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Evangelista Street at Arnaiz Avenue, Barangay Bangkal sa nabanggit na lungsod nang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit kasama ang mga operatiba ng Station Investigation Section ng Makati Police kung saan nagresulta ng pagkakaaresto kay Mariscal at nakuha sa posesyon nito ang 2000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon.
Nakuha ng mga operatiba sa suspek ang isang plastic pack na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 2 kilo o 2000 gramo, dalawang plastic bag na may markang Ninja Van, dalawang eco bag, P2,000 buy bust money at 898 piraso ng P1,000 bill (boodle money).
Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility ng Makati City Police Station para sa kaukulang disposisyon.
“Ako at natutuwa sa tiyaga na ipinakita ng ating mga pulis sa pagdadala ng mga magagandang accomplishment araw-araw. We are vowed to our mandate on intensified Anti-Criminality and Law Enforcement Campaign para sa kaligtasan ng ating nasasakupan. ani Macaraeg. EVELYN GARCIA