HALOS dalawang milyong Filipino workers, kabilang ang displaced overseas Filipino workers, ang nakatakdang mabiyayaan sa Bayanihan to Recover as One Act o Ba yanihan 2, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE)
“With this additional budgetary allocation, we expect to aid 700,000 formal sector workers. We also looking to provide assis-tance to some 1 million informal workers,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Laging Handa briefing.
Ayon kay Bello, nasa 200,000 OFWs ang pagkakalooban ng cash aid kung saan naglaan ang gobyerno ng P2 billion para rito.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang DOLE ay tatanggap ng P13 billion upang tulungan ang mga manggagawa na makayanan ang mga epekto ng pandemya.
Ang cash assistance programs ng ahensiya ay kinabibilangan ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.
Ang CAMP ay magkakaloob ng one-time cash subsidy na P5,000 sa formal sector workers na naapektuhan ng COVID-19.
Sa ilalim ng TUPAD, ang mga benepisyaryo ay binigyan ng 10-day emergency employment at binayaran ng minimum wage na umiiral sa kani-kanilang lugar.
Samantala, sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program, ang mga OFW ay tatanggap ng one-time P10,000 o $200 cash assistance.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na nasa ibang bansa at na-stranded sa bansa. PNA
Comments are closed.