P130-B DAGDAG NA PONDO SA COVID-19 RESPONSE ITINUTULAK NG ECONOMIC MANAGERS

Undersecretary Karl Kendrick Chua

NAIS ng mga economic manager na magpasa ang Kongreso ng isang panukalang batas na magkakaloob ng P130-billion suplemental fund sa Bayanihan To Heal As One Act na gagamitin para sa karagdagang subsidiya at ayuda sa mga sektor na hinambalos ng COVID-19 pandemic.

Sa isang virtual briefing noong Huwebes, sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang panukalang batas na pansamantalang tatawaging Bayanihan II ay naglalayong magkaloob ng spending at capital support, at maibalik ang nawalang kita at trabaho ng mga consumer.

Para sa ‘demand side’, sinabi ni Chua na pasisiglahin ng Bayanihan II ang private consumption sa pamamagitan ng pagpapalakas sa health system capacity at infrastructure, pagbabalik sa food value chain, at pagpapatuloy sa major infrastructure projects.

“Assuming we can recover in the demand side and give back confidence to people and their purchasing power is restored, then we are in a position to help the firms and we will do this by using the financial sector to provide liquidity to prevent insolvency,” ani Chua.

“We don’t want a case wherein the illiquid firms eventually become insolvent — meaning they don’t have enough assets to pay their liabilities,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng panukalang Bayanihan II ay maglalaan ng P30 billion na emergency subsidies para sa 9 milyong pamilya sa informal sector; P21 billion na wage subsidies para sa 26 milyong manggagawa at P10 billion para sa health at testing.

Nakapaloob din dito ang pagkakaloob ng P35 billion na karagdagang capital para sa Land Bank of the Philippines at P15 billion para sa Development Bank of the Philippines na kanilang gagamitin para sa wholesale lending sa rural banks o iba pang katulad na mga bangko.

Bukod dito, ang  Bayanihan II ay magbubuhos ng P20 billion sa  capital ng Philippine Guarantee Corp. (PhilGuarantee).

“We also look at investment in PhilGuarantee because PhilGuarantee, it provides an important service. It can guarantee loans given by non-government banks,” sabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

“Every peso of capital in PhilGuarantee can generate probably PHP15 or PHP20 worth of guarantees so every peso has a multiplier effect, 15 to 20 times,” ani Dominguez.

Bukod sa capital infusion, sinabi ni Dominguez na gagamitin nila ang karagdagang pondo para sa pagsasanay ng mga tao na iha-hire para sa isang partikula na trabaho, na tutugon sa unemployment problem na dulot ng COVID-19 crisis.

May 500,000 workers ang maaari aniyang i-hire bilang contact tracers, na isasailalim sa isa o dalawang araw na pagsasanay.

Comments are closed.