P136-M SHABU NASAMSAM NG PDEA SA PARAÑAQUE CITY

TINATAYANG nasa 20 kilo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti narcotics operation sa kamakalawa ng hapon sa Tambo, Parañaque City, Metro Manila.

Dalawang drug suspek ang nadakip habang nakatakas naman ang isa pa na kabilang sa high value target personality.

Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina Mark Joseph Cortez y Villareal alias Mark, 36-,anyos, binata at Jacqueline Espinosa y Pizarro, 37-anyos, dalaga at ang nakatakas na si Marion King John Cortez y Aranzanzo.

Ayon sa ulat na isinusumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, matapos ang isinagawang surveillance and intelligence gathering ay nagkasa ng buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team, PDEA RO-

National Capital Region at Tambo Substation 2 kasama ang Parañaque City Police Station sa bayan ng tambo.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 20 kilos ng shabu na may street value na aabot sa P136,000,000.00 at ang ginamit na buy-bust money.

Pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 paragraph b (Attempt or Conspiracy to Sell of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of RA 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto. VERLIN RUIZ