P139.56-M INFRA DAMAGE NI ‘ENTENG’

TINATAYANG aabot sa P139.56 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura ng bagyong Enteng, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang sa mga winasak ng bagyo ang ilang national roads, bridges at flood control structures sa limang apektadong rehiyon ng Luzon at Visayas.

Ayon kay DPWH Secrertary Manuel Bonoan, nasa P84.39 milyon ang pinsala sa mga tulay, P2.420 milyon sa mga kalsada at P42.75 milyon sa flood control structures.

Sa mga rehiyon, ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay iniulat na nagtamo ng P49.43 million na pinsala sa imprastruktura; Region 2, P9.85 million; Region 5, P34.85 million; Region 6, P25.78 million; at Region 8, P23.65 million.

Iniulat ng DPWH Disaster and Incident Management Teams ang muling pagbubukas ng lahat ng 11 road sections na naapektuhan ni ‘Enteng’. Gayunman, apat na daanan sa CAR at Region 3 ang may limitadong access na kinabibilangan ng:

1) Itogon-Dalupirip Road, Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet, one-lane passable to light vehicles only due to soil collapse;

2) Benguet-Nueva Vizcaya Road, Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet, one lane passable to heavy vehicles only due to rock/slope collapse;

3) Dantay-Sagada Road,Barangay Antadao, Sagada, Mt. Province, passable to light vehicles only due to road slip; at

4) Manila North Road, Calvario, Marilao, Bulacan, passable to heavy vehicles only due to flooding. FROILAN MORALLOS