P14.07-B FISH PORT PROJECT APRUB SA NEDA INVESTMENT BODY 

FISHPORT

INAPRUBAHAN na ng Investment Coordination Committee ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa board confirmation ng ahensiya ang dalawang bagong proyekto at mga pagbabago sa dalawang naunang inaprubahang proyekto, kabilang ang rehabilitasyon ng conflict-stricken Marawi City.

Ayon sa NEDA, inendorso na ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CabCom) para sa kumpirmasyon ang P14.07-billion Regional Fish Port Project para sa Greater Capital Region (GCR), na magre-rehabilitate sa Navotas Fish Port Complex, at ang P3.87-billion Philippines-Korea Project Preparation Facility (PK-PFF) ng Department of Finance.

“PK-PFF will support timely implementation of projects under the administration’s ‘Build Build Build’ program, specifically priority projects of the National Irrigation Administration and the Department of Public Works and Highways (DPWH),” pahayag ng NEDA.

Muli ring kinumpirma ng ICC ang nauna nitong approval sa P12.86-billion Road Network Development Project sa conflict-affected areas sa Mindanao.

Inaprubahan din nito ang pagbabago sa saklaw at budget hike para sa  Reconstruction and Development Plan for a Greater Marawi – Stage 2 project ng  DPWH,  na naglalayong isaayos ang conflict-stricken Islamic city.

Ayon pa sa NEDA, kasama rito ang phase 4 ng pinalawak na Marawi Transcentral Road (MTR) project at ang rehabilitasyon ng tatlong tulay sa lungsod, upang itaas ang kabuuang halaga ng proyekto sa P6.84 billion.

Comments are closed.